ang hirap pala pag nag-iisa ka sa mundo... katulad ng isang aso na gumagala sa lansangan, walang malinaw na direksyon na patutunguhan. lakad ng lakad, gutom at nag-iisa. minsan binabato, sinisipa, pinandidirihan, kinukutya't nililibak, kulang na lang patayin ka. malungkot, pero sadya sigurong ganyan ang buhay, at ang tao... minsan malupit, walang awa at walang pang-unawa, pero masuwerte pa din kung minsan ang isang asong gala, lingid sa kanya ang tunay na kahalagahan ng buhay, may sariling mundo, naghihintay ng panahon kung saan, kailan at paano matatapos ang paglalakbay... hihinto at hihimlay... upang hindi na kailanman maglakbay... paano na kaya kung ang tao itinuring na parang aso???!!!